JackOfAllTrades

Keindred Loyola Legaspi. 19.
May 20 '12

I have a confession.

May isang taong hanggang ngayon, hindi ko pa rin nalilimutan. Hanggang ngayon, sa dami ko ng nakilala, siya pa rin. Siya lang. Siya na lang dapat e. Siya na lang sana.

Emo kasi ako kagabi. Ayaw kong mag-facebook dahil natalo ako sa Tetris, three times in a row. P*tang ina. Ayaw ko din sa twitter kasi wala namang makausap ng ayos. Pang-artista masyado ang social site na yun. Ang napagdeskitahan ko ay siya. I search the name in google at lahat ng sites na ginamit niya for socials andun, mapa-active, or hindi, nakalagay dun. Binasa ko lahat. Inutas ko ang sarili ko sa pagbabasa. May ibang walang kwenta, may ibang tinamaan ako may ibang keri lang. Pero ang wala, ang tungkol sa amin. Hindi ata ako nakabasa ng kahit isang may kinalaman sa pinagdaanan namin. May pinagsamahan naman kami. Bat ganun? Kinalimutan na lang niya lahat?

Na-depress ako ng sobra, tapos nag-yosi ako. Nalungkot ako lalo. Hindi ko alam kung bakit. Napag-isip-isip ko, ang tagal na rin. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin siya. well, hindi naman naging kami, pero naging mabuti ang pinagsamahan namin. Malamang, kung alam niya ‘to, tatawanan lang ako nun, at sasabihin niyang “Move on naman.” Pero wala e. Minsan ayaw ko na, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Minsan, gusto ko na siyang kalimutan forever, pero hirap na hirap akong gawin. Samantalang siya, siguro, wala na siyang naalala. Yung halos isang taon naming pinagsamahan, parang dumaan lang na pangyayari sa isang buong maghapon niya. At hindi biro yun, masakit yun sa part ko.

Kapag nakikita ko siya, gusto kong magtanong, gusto kong kausapin siya tungkol dito. Pero dun ko madaling napipigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil wala na rin namang pupuntahan pa ang effort ko. Masaya na siya, masaya na rin ako sa buhay ko. Pero mas masaya ako kung…. Haaaay. Enough.

Enough.

Enough.

Enough.

(Source: joey-snake-eyes)

1 note Tags: kwento kwento din emote

May 19 '12

I am happy that despite the world being the extension of hell, some people are still good like wandering angels. God has been very good to me, as He gives me the best kind of people around, that I call my friends.

(Source: joey-snake-eyes)

1 note Tags: friends share

May 14 '12
Ang alak ang magtatanggal ng sakit, hinanakit at DAMIT.

(Source: joey-snake-eyes)

Tags: lust damit alak

May 14 '12
being friends with someone you love is torture.

(Source: joey-snake-eyes)

1 note Tags: true love friends torture

May 11 '12

Okay lang namang magsyota ka ng pangit.

Ingat lang sa mga kaibigan mong mapanlait.

(Source: joey-snake-eyes)

3 notes Tags: nabasa ko lang sa fb sabaw

May 10 '12

They say everything happens for a reason,

highcalorie:

but sometimes I wish I knew what that reason was.

1 note (via highcalorie)

May 10 '12

Nakakainis yung mga tao, particularly yung mga kabataan na mas pinaprioritize ang love kaysa sa pagpapaganda ng buhay. Makakaantay yan. Huwag kang magmadali. Tanga.

(Source: joey-snake-eyes)

Tags: ispeak

May 7 '12

Gawin mong bestfriend ang mga magulang mo, Gaganda ang buhay mo.

Sinabi yan sa akin ng pinsan ko na super close sa mga magulang niya. Nainggit naman ako. At ang daming tumakbo sa isip ko nung sinabi niya yun.

Oo nga naman. Bakit nga ba ang layo ng loob ko sa magulang ko. Sa pagkakatanda ko, never ko pa ata silang nayakap mula nung nagkaisip ako. Never ko na silang nasabihan ng mahal ko sila. Minsan, kapag mga family gathering, o kaya birthday ni Papa, o ni Mama, hindi ko kayang sabihin sa personal, kailangan text pa. Kahit nga tawag hindi ata e.

Marami din sigurong dahilan. Una, lumaki kasi ako sa mga lola ko. Parang mas malapit sila sa akin kasi, paborito nila ako kasi ako yung unang apo. Actually, ngayon lang ako madalas umuwi sa bahay ng pamilya ko mismo. Madalas kasi nandun ako sa mga lola ko. Bakit? Kasi dun malaya ako. Mas matatanda ang mga tao kaya naloloko ko. Kapag nandun ako, bigay lahat, wala akong ginagawang gawaing bahay, kulang na lang subuan nila ako para hindi ako mahirapang kumain. Ganun ka-royal ang treatment sa akin kahit na umeedad na rin naman ako.

Ikalawa, siguro, dahil nagkalihim na galit ako sa tatay ko dati nung bata ako. Oo, hanggang ngayon, nasa puso ko pa rin ang galit na yun, kahit feeling ko okay na. Siguro, I just forgave my father, but I never intended to forget that incident. Un din ang dahilan kung bakit ako nagrebelde noon. Pakiramdam ko, masama siyang ama. It’s just late when I realize, yung mga pambubugbog niya sa akin dati, was merely to let me grow up like a man.

Yun lang naisip kong dahilan. Sa totoo lang, gusto ko naman e. Actually, kahit hindi malaman ng parents ko ito or whatsoever, laking pasasalamat ko kasi hindi nila ako pinabayaan. There are a lot of parents that give up. Sa hirap ng buhay ngayon, at sa klase ng buhay na inihanda ng mama at papa ko para sa akin na alam kong pinaghandaan nila, salamat talaga. 

(Source: joey-snake-eyes)

1 note Tags: nainis ako sa post na to ewan ko ba

May 6 '12

A letter sent to me in FB from someone very special

Letting go,its a lot harder than it seems.We talk all day, everyday. we fall asleep on the phone together.We wake up to good morning texts.I think about you every second im awake then when im asleep,i dream about you. we spend time with each other whether its in person or not.You soon become a part of my everyday life and i get used to it.
Then all of a sudden,we blew up.( Most of the time once they’re gone, they’re gone for good.) Meaning,
no more late night calls, no more cute text messages (actually no texts at all), no more ’i love you’ ‘baby‘ all of that.
The first few days i want to call, text and chat you. i really do everything just to talk to you and restore ” how are you”
But, as much as i try, things don’t change. The hardest part is letting go. I check your facebook often just to see what you’re doing and also to see if you have someone new.”keindred” that was once my everything is now just a memory. A memory that i replay over and over again in my head.I spend nights reminiscing in the said words, shared laughs and even the saddest part of our lives and all the good things that went on during the time we were together.
Letting you go can take weeks, months, even years. Remember letting go of someone is the best way to say i love you.i love you baby.good vibes always and when the time comes for me to see you again i want to whisper in your ears “thank you so much”

Wala akong na-ireply sa letter na’to. Ewan ko. Wala na akong nasabi. Tapos bigla akong nawalan ng gana. Nalungkot buong araw, at sinisi ang sarili ko sa isa na namang kwento ng kapabayaan. 

(Source: joey-snake-eyes)

Tags: k :(

May 6 '12

Fe-fe-fresh like Dougie.

Fe-fe-fresh like Dougie.

(Source: joey-snake-eyes)

1 note Tags: Fe-fe-fresh like Dougie.

May 6 '12
If “plan A” didn’t work, the alphabet has 25 more letters. Stay Cool.

(Source: joey-snake-eyes)

1 note Tags: yeah chill lang ;) hoooo.

May 6 '12
I will always love you.
I will always stay true.
There’s no one who loves you like I do.
COME WITH ME NOW.
I will never leave you.
I will stay here with you.
Through the good and bad I will stand true.
I’m inlove.
I’m inlove…
WITH YOU….
— *SIGH*

(Source: joey-snake-eyes)

Tags: sigh still inlove with you you sad :(

May 5 '12

Dugs! Dugshhh! Dugs!

Kumulog at kumidlat. Akal ko hindi na ako takot sa ganun, yun pala takot pa ako. May mga ganun talaga ano? Yung, mga bagay na akala mo wala na lang sayo, mga taong akala mo nalimutan mo na, pero dinala ka ng pagkakataon sa isang nakaraan, ika nga, a blast from the past, marerealize natin na nawala lang pala sila sa buhay natin, nawala lang sa pang-araw-araw na tagpo, pero nanirahan na pala sila sa ating isip at puso.

(Source: joey-snake-eyes)

Tags: padeep pota lol

May 5 '12

Nagsasarili.

Yung iba bastos agad ang nasa isip. Hindi naman kasi yun. Yung soloista. Ikaw lang mag-isa. Walang karamay whatsoever. Ikaw lang.

Mahirap din pala.

Kagabi kasi, emo ako. Hindi ko alam pero hindi lang ako maging masaya. Nung natapos ang PBB, hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Umakyat ako sa terrace tapos gusto kong tumalon, pero nakita ko yung mga paso. Kung tatalon ako, siguro, hindi naman ako mamatay, pero madami akong baling buto, at ang dungis ko. Huwag na nga lang.

Tumunganga na lang ako. Nag-sindi ng yosi. Tahimik lang ako, pero dama ko na yung isip ko, gulong-gulo. Parang may sumisigaw sa loob, nagmamakaawa na kumalma ang lahat. Ang ingay sa isip ko, parang hindi naman party, ingay ng may nasunugan, may holdapper, ingay na may gulo.

Wala akong makausap. Nag-ggm ako walang nagrereply. Siguro iniisip nila na okay naman ako. NAg-iinarte lang ako. May ilang tao na tinatawagan ko kahit 10mins lang naman ang pantawag ko, pero walang sumasagot. Lalo akong nalugmok. Wala akong kabarkada na tambay at lahat may ginagawa. Ako lang mag-isa.

Dun ko narealize na totoo palang dadating ang ganung panahon. Yung minsanang nagmamakaawa ka sa mga tao pero walang tumutulong sayo. Naisip ko kung gaano kahalaga na mahal mo ang sarili mo, na hindi ka dependent sa ibang tao. Tamo ako, nasanay ako masyado na maraming tao sa likod ko. Bawat galaw at kilos ko, sa kanila ko binabase, at one point, wala akong sariling desisyon. HINDI AKO SANAY MAG-ISA.

Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Naramdaman ko na masama akong tao talaga. Pero ininda ko na lang. Tumulog na ako at sabi ko, kailangan ko ng pag-aralang asahan ang sarili ko.

(Source: joey-snake-eyes)

Tags: experience independent man haaaay sad

May 5 '12

Bakit ALAK ang sagot sa mga taong nasasaktan? Simple lang. Dahil nasanay tayo na ALCOHOL ang gamot kapag tayo’y nasusugatan.

(Source: joey-snake-eyes)

1 note Tags: tama SUGAT heal :( broken